49

Oct 10, 2017 @ 10:10

Enrique, ‘di nakatanggi kay Aga

MAGANDA ang paliwag ni Enrique Gil sa tanong ng press kung ano ang sentiments niya sa nararamdaman ng mga fans nila ni Liza Soberano sa paggawa nila ng separate projects. Ani Enrique, in every actor’s career, may mga projects na hindi mo kayang hindian.

“This (Seven Sundays) is one project I couldn’t say no to. Aga Muhlach ‘yan! Tapos one of my favorite directors pa, si Direk Cathy (Garcia Molina),” sabi ni Quen (palayaw ni Enrique).

Aniya pa, hinding-hindi mawawala ang projects nila ni Liza.

“Liza has her own projects, too, without me. So as actors, it’s good na nakakagawa kami ng projects na iba naman. Seven Sundays is a feel good family drama. ‘Yung ganu’ng variation of projects. Tapos ‘pag kami ni Liza, love story drama.

“The fans (LizQuen) need not worry naman, kasi wala akong love interest dito sa Seven Sundays,” paliwanag ni Quen.

When asked kung kumusta na sila ni Liza, now that hindi sila magkasama sa Seven Sundays.

“Nothing has really changed much, same pa rin. Though iba rin kapag may ginagawa kayong movie o teleserye na you look forward to every taping day kasi makakasama mo siya.”

Gusto ni Quen na suportahan ng LizQuen fans ang Seven Sundays, dahil, aniya, marami siyang ipinakitang bago sa movie. To which nag-agree si Cathy Garcia na ibang Enrique ang mapapanood ng tao sa movie na showing na tomorrow, October 11.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?