65

Oct 8, 2017 @ 12:03

Enrique, all-out na sa pagmamahal kay Liza

Sobrang vocal na vocal na si Enrique Gil sa nararamdaman niya para kay Liza Soberano. Kung si Liza, medyo timid pa sa pag-e-express na pagmamahal kay Enrique, ang binata ay all-out na, ha!

Sa latest photo nga nila na naka-jersey sila na may tatak na Lakers, ibang-iba ang itsura ni Enrique. Ibang-iba na rin ang katawan nito, na medyo nabawasan na nga ang taba ng actor.

Sabi nga, paghahanda kaya ‘yon para sa Captain Barbell? Na bagay na bagay na nga raw kay Enrique ang bumitbit ng barbell, na tulad ni Liza na si Darna naman.

Pareho ngang maganda na ang katawan ng dalawa. Hindi nga lang kasi sa party nagsasama ang dalawa, kundi pati na rin sa pagdyi-gym.

“My favorite team, my favorite player Kobe Bryant, with my favorite person in the world…” ang sey ni Enrique, na ang tinutukoy ngang pinakapaborito niyang tao sa mundo ay si Liza.

Sobrang kilig-kiligan nga ang mga fans ng dalawa sa paandar na ‘yon ni Enrique.

Anyway, nagkita na rin finally sina Enrique at Xander Ford. May kiyeme-kiyemeng selosan nga ang dalawa noon dahil kay Liza.

At siyempre, super-like naman ni Liza ang photo na ‘yon ng dalawa, na minsan nga raw ay nag-away dahil sa kanya. Kiyemeng away lang naman.

Siyanga pala, hiwalay muna sina Enrique at Liza ngayon. Si Enrique ay kasama sa pelikulang Seven Sundays ng Star Cinema, na kung saan ay bonggang aktingan ang pinagsamahan nila nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, with Ronaldo Valdez. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?