64

By

Enrile tiwalang maaabsuwelto rin gaya ni Revilla

Sharing is caring!

Sa ilalim umano ng administrasyong Duterte, walang kaduda-duda na mapapawalang-sala si dating senador Juan Ponce Enrile sa kinakaharap na kasong plunder.

“Sa isang makatarungan na gobyerno, wala akong kaduda-duda,” ani Enrile sa panayam sa dwiz nitong Sabado.

Iginiit din ng 94-anyos na si Enrile na walang kasalanan ang dati niyang chief of staff na si Jessica Lucila “Gigi” Reyes na nakulong mula pa noong 2014.

“Ang problema ko yung aking chief of staff ay nakakulong. Wala namang kamuwang-muwang yun, wala namang kasalanan yung tao na yun,” ani Enrile.

Kasama nina dating senador Jinggoy Estrada at Ramon “Bong” Revilla Jr., si Enrile na kinasuhan ng Ombudsman dahil sa plunder at multiple counts ng graft kaugnay ng pork barrel scam taong 2014.

Kahapon, Dec. 7, nang iabsuwelto ng Special First Division ng Sandiganbayan si Revilla sa kasong plunder habang naghihintay pa ng desisyon ng anti-graft court sina Estrada at Enrile.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?