0
views

By

Enrile sa magreretirong si Ombudsman Morales: Good luck

Sharing is caring!

Walang pait na nararamdaman si dating Senador Juan Ponce Enrile sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales, na siyang naghain ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam cases laban sa kanya noong 2014 sa Sandiganbayan.

Sinabi ni Enrile sa reporters matapos ang pre-trial para sa kanyang plunder case sa Sandiganbayan Third Division, na gusto niya ang “the best” para kay Morales na magreretiro na sa Hulyo 25.

“I wish her good luck,” ani Enrile.

Samantala, muling na-postpone ang pre-trial ni Enrile kaugnay ng P172 million plunder case nito at inilipat sa Agosto 31 habang ang mga kaso naman sa PDAF nina dating senador Jinggoy Estrada at Bong Revilla ay nasa trial stage na. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?