102

Nov 23, 2021 @ 16:46
By

‘Engot, paawa epek’: JV nasaktan sa mga basher

Ikinalungkot ni dating senador JV Ejercito na imbes makisimpatiya, pinagtawanan pa siya ng ilang netizen matapos madisgrasya habang nagbibisikleta.

Kahapon ibinahagi ni Ejercito ang mga litrato na makikitang duguan at nagkabukol-bukol siya matapos madale ng lubak habang nagbibisikleta sa Roxas Boulevard sa Maynila.

Nadismaya si Ejercito sa comment ng ilang netizen, kung saan isang Facebook page na Overseas Filipino Workers – OFW ang nag-share ng isang article tungkol sa aksidente niya, at nilagyan ng message na tinawag siyang engot at paawa effect.

“Yung wagas na kaengotan kailangan pang ipost JV Ejercito, ano yan paawa effect,” saad ng nasabing FB page.

Binilugan din ni Ejercito ang ilang negatibong comment sa naturang post, may ilan tumawag sa kanya na “lampang bondying” at “masamang damo”.

“Have some people gone this low in socmed? Some even making fun of my accident and injuries in a page of a major daily. What is happening to some Pinoys?” sambit ni Ejercito.

“We are not like this. Supposedly we are one of the friendliest people in the world. Sa halip na magpagalingan sa talino, tila sa iba pagalingan sa pabastusan ang gusto,” dugtong niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?