182

Jun 16, 2020 @ 15:00
By

Engineer pina-Tulfo ni Pingris!

Dumulog si Magnolia veteran forward Marc Pingris sa ‘Raffy Tulfo in Action’ para isumbong ang isang engineer/contractor na nagpaasa umano sa kanya.

Sa Youtube video na uploaded nitong Lunes, nireklamo ni Pingris ang si Engineer Pepito Alba na may balanse pa umano sa kanyang P500,000 dahil sa pinatigil na project.

Ayon kay Pingris, binigyan niya ng P5.4 million si Alba para ipagawa ang kanyang sinisimulang negosyo na poultry.

Ngunit nabagalan ang PBA superstar sa pagpapagawa ng nasabing poultry farm kaya pinuntahan niya ng personal si Alba sa La Union para i-request na magpadagdag ng tao para mabilis na itong matapos.

Saad ng basketbolista, hindi pa rin siya na-satisfy sa kupad ng gawa matapos niyang puntahan si Alba kaya’t naghanap na lang ng ibang contractor para dito.

Dahil dito’y binawi ni Pingris ang mga balanse mula kay Alba, ngunit tumatalbog umano ang mga binibigay nitong tseke sa kanya ilang taon na rin ang nakalipas.

“Nung una talaga, nagalit ako sa kanya, kung ano-ano nga sinasabi ko sa kanya, ‘kapal ng mukha mo’, ‘ba’t ayaw mong magpakita sa’kin’…” paliwanag ni Pingris nang purihin siya si Raffy Tulfo dahil sa kalmado nitong trato sa engineer.

“Gusto ko lang din i-clear yung pangalan ni Engineer Alba, sinasabi ko ulit na hindi siya masamang tao. Actually gusto ko lang sabihin sa kanya… kung may pinangako siya na gagawin, tatapusin niya. kailangan gawin niya, kasi engineer siya eh, malay mo kung may masamang tao sa’kin anong gawin sa kanya,” aniya pa.

Siniguro naman ng staff ng ni Alba na pwede na ma-encash ang tseke ni Pingris para malutas na ang problema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?