212

By

Engineer, patay sa ambush sa Binondo

Sharing is caring!

Patay ang isang engineer matapos tambangan ng hindi pa nakikilalang mga salarin habang sakay ng isang SUV sa Delpan St., cor. Alay Puso St., Binondo, Maynila kagabi.

Tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang tumapos sa buhay ng biktimang si Engr. Reynaldo Macapanas, 49-anyos, at nakatira sa Grand Oakridge Subd., Gen. Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ng Manila Police District-Homicide Section, lulan si Macapanas ng kanyang kulay itim na Isuzu MUX na may Conduction Sticker na CR5165 at binabaybay ang Delpan St. nang dikitan ng mga nakamotorsiklong salarin sa driver’s side at ilang beses na pinaputukan bago tumakas sa direksiyon ng Road 10.

Nagkataon namang nasa lugar si PO1 Rey Orejas ng Kamuning Police Station ng QCPD kaya’t isinugod nito sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima pero idineklara itong dead-on-arrival ng isang Dr. Nilo Puno.

Ayon sa kasosyo sa negosyo ni Macapanas na si Evelyn Sy na siya ring may-ari ng sasakyan, magkikita sana sila ng biktima sa Camba Street para sa isang business meeting.

Inaalam pa rin ng mga awtoridad ang motibo sa nasabing pamamaslang. (Ricklove Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?