12

Jul 23, 2020 @ 19:33
By

Engineer nangisay sa kuryente

Patay ang isang 28-anyos na engineer nang aksidenteng makuryente Martes ng umaga sa Brgy. Manhoy Dao, Capiz.

Idineklarang patay na nang dalhin si Engr. Arjie Tibor, ng Department of Public Works and Highways 2nd Engineering District, sa Sen. Gerry Roxas Memorial District Hospital sa Barangay Manhoy.

Lumabas sa imbestigasyon ng Dao Police na isasaksak sana ni Tibor ang electrical extension sa kanyang hollow block-making machine nang mahawakan niya ang bukas na bahagi ng kawad.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?