5,225
Engineer na 100 beses sinaksak ang misis, kinasuhan na
Jul 2, 2019 @ 18:47
By

Engineer na 100 beses sinaksak ang misis, kinasuhan na

Kasong parricide ang isinampa ng Parañaque City Police laban sa inhinyero na pumaslang umano sa sariling misis nito matapos 100 na beses pagsasaksakin sa iba’t bang bahagi ng katawan kamakailan sa lungsod.

Ayon kay Police Colonel Rogelio Rosales, hepe ng Parañaque City Police, kinasuhan nila si Noel Torres dahil sa kanilang imbestigasyon na siya lamang umano ang itinuturong may dahilan, may history at ng mga sirkumstansya na pumatay sa kanyang asawang si Christina.

Magugunitang Hunyo 11 ng hapon, ini-report ni Torres sa pulisya at mga kapitbahay na inabutan niya ang kanyang misis na naliligo sa sariling dugo at tadtad ng tama ng saksal sa iba’t ibag bahagi ng katawan.

Isinumbong din nito sa pulisya na dinistrongka ang kanilang vault pero wala naman daw nakuhang pera at tanging cellphone lamang ang nawala sa kanilang bahay na pag-aari ng biktima.

Unang pinaghinalaan ang mga construction worker sa tabi ng kanilang bahay na may kagagawan sa krimen.

Sinabi pa ni Rosales, natunton nila na bago mapatay ang ginang, inireklamo na nito ang mister na si Torres dahil sa pananakit dahil umano sa selos.

Base naman sa panig ni Torres, sinabi ng kanyang abogadong si Atty. Jojo Ticman, na may pruweba na nasa trabaho ang kanyangb kliyente nang mangyari ang krimen.

Humiling naman sila ng parallel investigation sa National Bureau of Investigation hinggil sa insidente.

Hihintayin din ang resolusyon ng piskalya ng Parañaque sa isinagawag pagsampa ng nasabing kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?