40

By

Engineer itinumba sa loob ng van sa Cotabato

Isang hindi pa nakikilalang gunman ang bumaril sa isang engineer sa loob ng pampasaherong van sa bayan ng Kabacan, North Cotabato, Martes ng gabi.

Ayon sa ulat, sakay ng van si Engr. Mustapha Andoy, 45, at pauwi na sana sa tinutuluyang boarding house malapit sa naturang bayan dakong alas-tres ng hapon.

Pero habang binabaybay ang national highway sa Tunggol, pinahinto ng suspek, na pasahero rin, ang van at habang pababa na ng sasakyan ay binaril nito si Andoy sa ulo saka tumakas sakay ng naghihintay na motorsiklo.

Namatay on the spot ang biktima.

Si Andoy umano ay nagtatrabaho sa lokal na pamahalaan ng Pagalungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?