44
ABANTE-TNT-endo-contract-naia
Dec 1, 2017 @ 19:00
By

‘Endo’ sa NAIA, winakasan na

Hanggang taong 2020 ay hindi kakabahan na mawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 cleaners sa mga terminals ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ito ay matapos ianunsiyo ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal na simula sa darating na Disyembre 16 ay bibigyan ng tatlong taong kontrata ang 1,057 building attendants ng NAIA.

Bukod dito ay bibigyan din sila ng lahat ng mga benepisyo, na nakukuha ng mga regular na empleyado.

Giit ni Monreal, ito ay pagsunod lang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan na ang ‘endo’ o ‘end of contract’ sa hanay ng mga manggagawa.

Sa datos, may 356 building attendants sa Terminal 1; 272 naman sa Terminal 2; 372 sa Terminal 3 at 54 sa Terminal 4. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?