9
koko pimentel
By

Endo bill, prayoridad ng Senado – Pimentel

Sharing is caring!

Tiniyak ni Senate President Koko Pimentel na makakabilang sa kanilang prayoridad sa Senado ang panukalang batas na naglalayong wakasan ang endo.

Magbabalik sa sesyon ang mga senador sa Mayo 14.

Ayon kay Pimentel, pagtutuunan nila ang panukalang ipagbawal ang illegal contractualization.

Tugon ito sa panawagan kanina ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na gumawa ng batas kontra sa endo at illegal contractualization matapos pirmahan ang kaniyang Executive Order ukol dito.

Inayunan naman ni Pimentel ang sinabi ng Pangulo na kailangan ng bagong Labor Code para mapalakas ang security of tenure ng mga manggagawa.

Ang panukalang batas kontra endo ay inaasahang mapagdedebatehan ng Senado dahil nagawan na ito ng draft committee report ni Senador Joel Villanueva na chairman ng Senate Labor Committee.

Kinakalap na lang ang pirma ng mga senador para maihatag ito sa plenary debates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?