27

Dec 28, 2017 @ 10:06
By

End of 2017, ’bang of so many deaths of the Filipinos’ – Duterte

Hindi maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalungkutan sa resulta ng maraming bilang ng mga namatay at napinsala sa pagtatapos ng 2017 dahil sa mapaminsalang bagyong Vinta.

Sa briefing ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Tubod, Lanao del Norte, sinabi ng Pangulo na tila walang katapusan ang pagdurusa ng mga pilipino dulot ng galit ng kalikasan.

Hindi matiyak ng Pangulo kung resulta ito ng climate change subalit ang hindi maiwasan ay ang mas maraming buhay na nawawala .

Sa pagtatapos aniya ng 2017 ay puro kamatayan mula sa aksidente, kapabayaan at bagyo at hindi aniya ito magandang pasko dahil sa dami ng nagdurusa.

“Napakalungkot ho sabihin but we have been– we ended or we will end 2017 with a bang of so many deaths of the Filipinos, ranging from careless to accidents and the typhoons. There seems to be a sorrow prevailing in the country today and it was not already a good Christmas day for all of us, thinking there that there are persons suffering,” ang pahayag ng Pangulo.

Kasabay nito ipinaabot ng Punong Ehekutibo ang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa bagyong Vinta at mga nawalan ng kabuhayan at ari-arian.

Sinabi ng Presidente na sinubukan nilang lumapag sa Marawi City kaninang hapon subalit hindi makapasok dahil makapal ang ulap kaya umikot muna sila sa El Salvador saka dumiretso sa Lanao del Norte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?