15

Dec 5, 2020 @ 9:12
By

Enciso lalong ginaganahan sa mga basher

Imbes na panghinaan ng loob, ginawang motibasyon ni TNT Tropang Giga guard Simon Enciso ang kaliwa’t kanang pambabatikos sa kanyang laro.

Sa tweet ni Enciso matapos ang 88-67 win ng TNT kontra Ginebra sa Game 3 ng 2020 PBA Philippine Cup finals, sinabi nito na mas nag-iinit siya tuwing makakabasa ng pangba-bash tungkol sa kanya.

“It’s just added fuel to the fire,” saad ni Enciso.

Sa laban nitong Biyernes, nagpakawala ng apat na tres si Enciso at tumapos tangan ang 14 points.

Isa rin siya sa mga nagpahirap kay Ginebra star Stanley Pringle, na nalimitahan lamang sa 11 markers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?