48

Sep 28, 2021 @ 16:07
By

Enciso byaheng Terrafirma kapalit ni McCarthy

Matapos lamang ang isang kumperensya, tinrade ng Blackwater Bossing si Simon Enciso sa Terrafirma Dyip kapalit ni Rashawn McCarthy.

Nitong Philippine Cup lamang lumapag si Enciso sa Bossing matapos maglaro noong nakaraang taon sa TNT.

Nag-average siya ng 13.7 points, 4.1 assists at 2.8 rebounds kada laro sa 0-11 kampanya ng Blackwater sa kasalukuyang kumperensya.

Samantala, ang kapalit niyang si McCarthy ay nag-average ng 9.7 points, 2.7 rebounds at 2.0 assists sa elimination round kung saan kinapos ang Dyip na makapasok sa playoffs sa kanilang 4-7 kartada.

Inaasahan ang maraming pagbabago sa koponan ng Blackwater dahil nasa gitna sila ngayon ng 19-game losing streak – pinakamahaba sa kasaysayan ng PBA.

Unang ginalaw sa Bossing ang head coach kung saan inalis si Nash Racela at pinalitan ni Ariel Vanguardia. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?