16

Jan 26, 2021 @ 14:19
By

Enchong nang-intriga; Bea katawagan si Roque

“Sino si Nic?”

Tanong ito ni Enchong Dee kay Bea Alonzo, habang naglalaro sila ng “show me your phone” challenge.

Sa vlog ng aktres, makikita ang pagsunod ng dalawang celebrity sa mga hamon ng team ni Bea.

Isa sa mga dare ay ilantad kung sino ang huling tao na tumawag sa cellphone ng isa’t isa.

Nang tingnan ni Enchong ang phone ni Bea, lumabas na si “Nic” ang huling caller.

Tanong ni Dee: “Sino si Nic?”

“Secret!” sagot ni Alonzo sabay tawa. Natawa rin si Enchong at akmang kakagatin ang sapatos.

“Hindi, si Dominic ‘yan,” lahad ng aktres, na tinutukoy si Dominic Roque.

Kasalukuyang nali-link si Bea kay Dominic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?