181

Jan 5, 2022 @ 17:02
By

Enchong dinaan sa sayaw kasong cyber libel

Hanggang matapos ang taong 2021, tikom pa rin si Enchong Dee sa kinahaharap niyang kasong cyber libel.

Sa Instagram post niya, idinaan ni Enchong sa sayaw ang pag-welcome sa Bagong Taon.

“Hello 2022,” caption ng aktor.

View this post on Instagram

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee)


Ang cyber libel case ay isinampa laban kay Enchong ni DUMPER party-list Rep. Claudine Diana Bautista-Lim.

Kaugnay ito sa pagbanat ni Dee sa aniya’y magarbong kasal ng congresswoman sa negosyanteng si Jose French Lim sa Balesin noong Pebrero 2021.

Saad noon ni Dee sa social media post, napunta ang perang para sa mga pasahero at tsuper sa kasal ng nasabing congresswoman.

“The money for commuters and drivers went to her wedding. Let’s not prolong this conversation and don’t say otherwise,” anang aktor.

Patuloy niya, “Drivers and Commuters Rep who voted NO to ABS-CBN franchise got married in a Michael Cinco gown in a lavish peony-filled ceremony in Balesin in the middle of a pandemic. How ostentatious. May vaccination drive ba sya for drivers and commuters.”

Kalaunan ay humingi ng paumanhin si Dee sa kanyang pagbanat, ngunit ayon sa reklamo ng lady solon, inakusahan siya ng aktor ng paggamit ng kaban ng bayan sa kanyang kasal.

Dahil dito, humingi si Bautista-Lim ng moral damage na nagkakahalaga ng P500,000,000 pati na exemplary damage na nagkakahalaga ng P500,000,000. (IS)

‘Best of Sportalakan’ Sabong edition

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?