172

Jun 13, 2020 @ 15:29

Enchong Dee sinumbatan si Digong

Nagkaroon ng virtual rally sa Araw ng Kalayaan at isa si Enchong Dee sa mga celebrity na naki-join. Isa sa isyu ay ang hindi pagsang-ayon sa isinusulong na ‘anti-terror bill’.

Sabi nga niya sa IG caption niya, basta raw nagpahayag siya ng saloobin tungkol sa paniniwala niya sa bansa, alam daw niyang nalalagay sa alanganin ang mismong trabaho niya.

“It’s Independence Day! Every time I would say something about socio-political issues, I risk losing my livelihood, what an odd timing.”

Tahasan din na ipinaalala ni Enchong ang naging litanya ni President Rodrigo Duterte noong panahon ng kampanya tungkol sa Scarborough Shores. Bagamat hindi binanggit ng actor ang pangalan ng Pangulo, isa sa sumikat na pangako ito ni Pres. Duterte noong kampanya.

Sey ni Enchong, “Hindi puwede yung nasa kampanya kayo, sasabihin niyo na pupunta kayo sa Scarborough Shores at kapag nanalo kayo, sasabihin niyo, joke lang.

“Ano yun, joke lang ba kami? Hindi puwede yun. Filipino kami. Umaasa kami sa inyo. Alam namin na poprotektahan niyo kami.”

May namba-bash man kay Enchong dahil sa pagsasabi niya ng saloobin at paniniwala, mas marami ang bumibilib dito at nagpapasalamat sa katangapan daw nito. (Rose Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?