593

Feb 5, 2019 @ 19:25
By

Enchong Dee sinagot ang alingasngas na paglipat sa ‘Eat Bulaga’

Naging hot topic sa social media ang pag-guest ni Kapamilya actor Enchong Dee sa “Eat Bulaga” ng GMA 7 noong Pebrero 2.

May ilan tuloy na nagtataka at nagtatanong kung lilipat na ba ng bakuran si Enchong kaya ito umapir sa naturang noontime show.

Kasama ni Enchong na naging players sa “BOOM!” portion ng Bulaga sina Janine Gutierrez at Jackie Lou Blanco para i-promote ang pelikula nilang “Elise”.

Sa kanyang Instagram sinagot ni Enchong ang tanong ng isang netizen kung Kapamilya pa ba ito matapos siyang mag-post ng mga larawan kasama ang ilang Dabarkads.

“Still a Kapamilya though RT?” sabi ni mykaiella.

Nireplayan ito ni Enchong ng, “yup yup.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?