By

Enchong Dee naglasing sa sexy photo ni Erich

Sharing is caring!

Aliw na aliw ang netizen kay Enchong Dee sa patuloy na pagpapalipad-hangin niya ng kanyang reaksyon sa pagbalandra ng mga sexy calendar photos ni Erich para sa Tanduay ngayong 2018.

Na-shocked si Enchong sa unang paglabas ng photo ni Erich sa Instagram. Ito ay yung nakaluhod at nakatagilid ang aktres suot ay isang green two-piece bikini.

Sa comment ni Enchong sinabi nitong hindi raw siya sinabihan sa photo na ito ng kaibigan kaya maguusap sila sa bahay paguwi nito.

Muling nagposte si Enchong ng isa pa niyang nakaka-aliw na posting tungkol pa rin sa pagpapa-sexy ng kaibigan sa kanyang Instagram account.

Sa larawan makikitang nasa isang bar si Enchong, may hawak na dalawang bote ng alak at nagmi-mix.

@mr_enchongdee, “The moment you saw @erichgg calendar photos,” saka dinugtungan ng mga emoticons na may iba’t-ibang reactions.

Bentang-benta sa netizen ang posting na ito ni Enchong na akala mo totoongh naapektuhan sa paghuhubad ng kapwa niya kapamilya stars. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?