22

Jan 6, 2022 @ 21:10
By

Enchanted Kingdom tiklop sa Alert Level 3

Malungkot na ibinalita ng Enchanted Kingdom na nagdesisyon silang magsara muna sa gitna ng pagtaas ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Anang amusement park na matatagpuan sa Sta. Rosa, Laguna, bagama’t maaari silang mag-operate sa limitadong capacity sa ilalim ng Alert Level 3, mas pinili nilang magsuspendi muna ng operasyon para na rin sa kaligtasan at kalusugan ng kanilang mga bisita at tauhan.

“Although Alert Level 2 and/or 3 allows #EnchantedKingdom to operate on a limited capacity, Management has decided to voluntarily suspend its operations for the safety and health of both our guests and staff/cast members given the current increasing trend in #COVID19 infections in the country,” pahayag ng pamunuan sa Facebook post.

Nov. 6, 2021 nang muling i-welcome ng theme park ang mga guest sa 50% capacity.

Matatandaang isasailalim ang nasabing lalawigan sa Alert Level 3 mula Enero 7 hanggang Enero 15, ayon sa anunsyo ng Palasyo.

Una nang inilagay sa naturang alert level ang Rizal, Bulacan at Cavite, na epektibo naman mula Enero 5 hanggang Enero 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?