788

Nov 29, 2017 @ 15:36
By

Encantadia nabuhay sa socmed

Na-touch si Direk Mark Reyes nang muling pinag-usapan ng netizens ang kanyang fantaseryeng Encantadia. Nangyari ito nang ipalabas ng GMA Network sa kanilang YouTube account ang director’s cut ng Encantadia kung saan muling binalikan ang highlights at BTS ng pagkakagawa ng Encantadia 2016.

Sa kanyang Instagram account, in-upload ni Direk Mark ang screenshot ng trending topics sa social media na Twitter kung saan pang-pito ang hashtag na #EncaFinaleDirectorsCut sa pinakapinag-usapan.

“It feels awesome when your TV show that has been off the air still trends on the top 10. That is the true measure of its success and the fandom’s love,” sabi niya.

Iba rin naman talaga kasi ang magic mo, Direk! Congrats on this! You deserve it.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?