39

Jan 12, 2022 @ 21:11
By

‘Encantadia’ magbabalik

May bagong kabanata ang hit telefantasyang “Encantadia”.

Ayon sa GMA, may spin-off titled itong “Sang’gre”.

“Ang pinakamalaking telefantasya sa kasaysayan ng Philippine television, ngayo’y may bagong kabanata,” sabi sa anunsyo ng Kapuso Network.

Kuwento raw ang “Sang’gre” ng isang batang babae na may superpower at hindi alam na nag-iisang anak siya ni Danaya, ang pinakabata sa magkakapatid na Sang’gre at may hawak ng brilyante ng lupa.

Unang ginampanan ni Diana Zubiri ang karakter na Danaya (2005-2006) na sinundan ni Sanya Lopez (2016-2017).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?