284

Oct 25, 2017 @ 13:04

Empoy yaman-yamanan sa bagong bahay

By ERIC JOHN SALUT

HINDI pa din makapaniwala si Empoy Marquez sa tinatamasa niyang biyaya. Ito ay dahil sa malaking tagumpay ng huli niyang pelikulang Kita Kita na kumita na ng more than P500 million. Inamin nito na hanggang ngayon ay madalas pa rin niyang tanungin ang kanyang sarili kung totoo ba ang lahat ng nangyayari sa kanyang career at personal na buhay.

Natapos na rin niya ang ipinagagawang dream house sa Bulacan. Isang bagong resto-bar din ang itinayo ni Empoy. May mga bagong endorsements din siya.

“Totoo, napapatanong pa rin ako, kung totoo ba ang lahat ng ito,” sabi ni Empoy.

Pagkatapos maipalabas ang movie nila ni Alessandra de Rossi, inulan na si Empoy ng offers. May mga pelikula siyang nakatakdang simulan, isa na rito ay with Zanjoe Marudo.

Nagsimula na rin siyang mag-taping ng serye kasama sina Piolo Pascual, Alessandra de Rossi, Arci Munoz at JC de Vera

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?