137

Dec 11, 2018 @ 17:28
By

Empoy tinapik na ambassador ng Japan tourism

Napili ang komedyanteng si Empoy Marquez bilang tourism ambassador ng Japan sa Pilipinas.

Hindi umano akalain ng aktor na malaki ang impact ng 2017 romantic comedy movie nila ni Alessandra De Rossi na “Kita Kita” sa turismo sa Japan.

Matatandaan na sa Sapporo, Japan kinunan ang kabuuan ng pelikula.

Hindi rin umano siya makapaniwala na ipagkakatiwala sa kanya na mang-imbita ng mga turista sa Japan.

Samantala, isa ang pelikulang “Kita Kita” sa mga pelikulang Pinoy na napapanood na sa Netflix.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?