84

Oct 8, 2017 @ 12:52

Empoy, negative sa matinding sakit

Ang resulta ng MRI scan sa kanya ang itinanong namin kay Empoy Marquez sa grand presscon ng The Barker, ang pelikula niya sa Viva Films. Sumailalim si Empoy sa MRI scan sa St. Luke’s Medical Center dahil sa pamamanhid at pananakit ng kaliwang bahagi ng kanyang mukha.

Nagpapasalamat si Empoy sa Diyos dahil negative ang resulta ng procedure na pinagdaanan at iniyakan niya.

“Okey na po ako ngayon, negative po ‘yung resulta ng checkup ko sa St. Luke’s. Sabi po ng doktor, punta raw ako sa dentist ko.

“Pumunta ako, God’s will, nagkaroon ako ng sponsor na dental clinic. Pumunta ako, nagpa-check up ako at meron silang nakita na TMJ, something like that. Du’n po pala nanggagaling, sa ngipin, ‘yung pamamanhid ng mukha ko,” ang paliwanag ni Empoy.

“The temporomandibular joint is the joint that connects your jaw to your skull. When this joint is injured or damaged, it can lead to a localized pain disorder called temporomandibular joint (TMJ) syndrome.

“Causes of temporomandibular joint (TMJ) syndrome include injury to the teeth or jaw, misalignment of the teeth or jaw, teeth grinding, poor posture, stress, arthritis, and gum chewing,” ang definition ng www.medicinenet.com sa TMJ, ang nagbigay ng health scare kay Empoy. (JOJO GABINETE)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?