98

Nov 16, 2021 @ 20:18
By

Empoy na-trauma sa Paris

Ibinahagi ni comedian Empoy Marquez ang nangyari nang mag-shoot sila ng movie ni Alessandra de Rossi sa Paris.

Ani Empoy Marquez, matagal-tagal siyang hindi nakapag-update ng kanyang vlog dahil naging busy siya sa pelikula nila ni Alessandra matapos ang successful na “Kita Kita” noong 2017.

Huling vlog ng comedian ay limang buwan na ang nakalipas kung saan nagkaroon sila ng “Never Have I Ever” ni Maja Salvador.

Tinanong ni Giselle kung bakit hindi nag-vlog sa Paris si Empoy.

“Na-busy kasi ate Giselle. Nag-shoot kami ni Alessandra ng movie sa Paris. Kaya nawala rin ako ng matagal dito sa Niña Niño but now I’m backs!” sey ni Empoy sa kolum ng “Nina Niño” co-star niyang si Giselle Sanchez.

Ani Empoy, sinita raw kasi siya ng isang Parisiano kaya natakot na siyang mamasyal nang mag-isa sa Paris.

“I tried my best, but I guess my best was not enough, Ate Giselle. Nag-shoot po ako doon tapos sinagawan ako ng isang Parisiano parang pulis ata siya o guard kasi naka-uniporme, sinita ako at sinabi, ‘hey hey hey, are you Afghan?’” wika ni Empoy.

“I said, no, of course not, I’m Malaysian… Joke lang ate Giselle. Natakot po ako, hindi po ako nakasagot, kaya umalis na lang po ako. Bumalik na lang po ako sa hotel. Simula noon, hindi na po ako masyado nagpapapasyal nang mag-isa. Lalabas lang po ako kasama ng grupo o kasama si Alex. Konti nga lang po pictures ko kasi natakot na ako mag-shoot baka masita pa uli ako,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?