97

By

Empoy kaakit-akit para kay Yeng

Ang layo na talaga ng narating ni Empoy Marquez. Mula kay Alessandra de Rossi, heto at si Yeng Constantino naman ang nabola niya.

Si Empoy na talaga ang ‘the new pogi’ ng showbiz. At pruweba riyan ang sunod-sunod na trabaho niya bilang leading man, ha!

Anyway, nagbabalik ang pop-rock superstar na si Yeng matapos ang apat na taong pahinga mula sa recording tampok ang kanyang bagong electro pop single na may titulong Pinipigil mula sa Star Music.

“Maaaring nasaktan ‘yung tao o kaya mas inuuna niya ‘yung mga plano niya kaysa sa pagdama dun sa tinitipo niya,” sabi ni Yeng sa tema ng kanta niya.

At sa music video nito, makikita si Yeng bilang isang refugee alien na gumising at sinubukang alamin kung pwede bang matirahan muli ang planetang Earth. Sa kanyang pagsilip, makikita niya ang isang lalaki (Empoy) at mahuhulog ang loob niya rito dahil sa mapang-akit na itsura nito.

Binago nga ni Yeng ang itsura niya sa video at siya mismo ang nagbigay ng konsepto sa director nito na si Paul Alexei Basinillo. Nagustuhan niya rin ang EDM vibe na ibinigay naman dito ni Kidwolf.

Anyway, matapos maipalabas ang music video nito sa MYX, pumasok agad ang single sa hit charts, at ngayon ay nasa 4th place sa MYX Daily Top 10. (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?