208

Jan 11, 2018 @ 22:24
By

Empoy-Alessandra ‘nalaos’ nu’ng maghiwalay

Inihahanda na nga ang follow-up movie nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa kanilang blockbuster hit na “Kita Kita”. Kung matatandaan, parehong flop ang solo movies nina Alessandra at Empoy, ang “12” at “The Barker”, respectively, kaya marami ang natuwa nang malamang hindi nga lang isang series sa ABS-CBN ang muling pagsasamahan ng Alempoy loveteam.

Wish lang ng mga nakapanood ng “Kita Kita” na maging kasing-ganda at kasing-tino ng “Kita Kita” ang susunod nilang movie together. Inaayos raw mabuti ang movie na ‘yon ng Alempoy at sa ngayon, nagkakasama naman sila sa taping ng “No Ordinary Love” series nila sa Kapamilya network kung saan ay kasama rin nila ang isa sa producers ng “Kita Kita” movie, si Piolo Pascual.

Samantala, si Alessandra naman, magsisimula na sa isang series na hindi pa malinaw kung sa internet ipapalabas o sa cable channel, ‘yung “Diary of a 30 Something” kung saan ay makakasama niya ang ate niyang si Assunta de Rossi at ilang mga kabarkada.

Project mismo ni Alessandra ‘yon na inilapit niya kay Boss Vic del Rosario ng Viva Films.

Si Empoy naman, may pelikula rin na kasama si Zanjoe Marudo. (Jun Lalin)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?