54

By

Empleyadong robot pumalpak, hotel nag-hire ulit ng humans

Natuto na ang pamunuan ng isang hotel sa Japan na mas mainam pa rin na mag-empleyo ng mga tao kumpara sa mga robot.

Ayon sa report ng Wall Street Journal, pinalitan na ulit ng Henn Hotel sa Tokyo ang nasa 250 robots nilang manggagawa matapos mabigo sa automated tasks nito.

Nagsimula ang hotel na maglagay ng robots sa kanilang operasyon noong 2015 sa layuning maging “most efficient hotel in the world” at para rin maging sagot nila sa kakulangan ng mga tauhan.

Kabilang sa hindi kayang gawin ng robots ang sagutin ang mga tanong ng guests tungkol sa opening hours nito o kaya’y sa basic questions tulad ng tourist attractions at flight schedules.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?