44

By

Empleyado sa paliparan, nagsauli ng P120K sa Koreano

Isang kawani sa airport ang hindi nagdalawang-isip na isauli ang nakuha niyang P120,000 halaga ng pera sa Korean national.

Ayon sa Manila International Airport Authority said (MIAA), nalaglag ni Hwang Sung Ha ang pouch niya sa UBE Express bus counter sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport terminal 1 noong Oktubre 31, 2018.

Napulot ito ni Judith Mertola ng Lucky Jet Travel & Tours noong Nobyembre 1 kung saan nang kanyang tignan ang laman ay tumambad sa kanya ang Asiana Club Visa card, Shinsegae Duty Free card, 31,000 Korean won; 6,020 Thailand baht, US$2,056, at P20, o may kabuuang halaga na P120,000.

Agad itong ipinagbigay-alam ni Mertola sa lost and found section ng nabanggit na airport pero nabigo silang makontak si Ha.

Bago umalis ng bansa si Ha noong Nobyembre 26, nilapitan siya ng ground handling agents para ibalik ang kanyang pouch.

Hindi umano nakapagsalita noong una si Ha nang makuha niya ang kanyang pouch at inaming aalis na sana siya ng Pinas na may “bad impression” sa bansa dahil sa pagkawala ng kanyang gamit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?