27

Dec 18, 2020 @ 11:07
By

Empleyado sa munisipyo itinumba ng tandem

MARIVELES, Bataan – Patay ang isang empleyado ng munisipyo matapos itong pagbabarilin ng “riding in tandem” sa kanyang tirahan sa Barangay Polares Mt View Mariveles Bataan.

Sa ulat ng pulisya, ang pananambang ay naganap dakong alas-6:00 ng hapon nitong Huwebes sa biktimang si Jonathan dela Cruz;35, isang Chief Management Information system (MIS) sa munisipyo ng Mariveles Bataan at kilala bilang kanang kamay ng alkalde.

Sa inisyal na imbestigasyon, base sa testigo sa krimen kadarating lang umano nitong biktima sa tapat ng kanyang apartment nang huminto ang isang itim na motorsiklo at sakay ang dalawang hindi nakikilalang kalalakihan nang bigla itong pagbabarilin.

Nagawa pang makatakbo ni dela Cruz sa loob ng bakuran kung saan dito na siya bumagsak at binawian ng buhay.
Samantala, hanggang ngayon ay nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga awtoridad kung ano ang motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?