117
gun
Jul 16, 2019 @ 14:34
By

Empleyado ng Taguig City hall, live-in partner todas sa pamamaril

Patay matapos barilin ng isang lalaki ang empleyado ng Taguig City hall at ang kaniyang live-in partner sa Barangay Upper Bicutan, Lunes (July 15) ng gabi, saad ng kapulisan nitong Martes.

Kinilala ng Taguig City police ang mga biktima na sina Marlo Landreza at ang umano’y live-in partner nito na si Girlie Gacer.

Ayon sa police report, isang concerned citizen ang nag-abiso sa Taguig City Police Community Precinct 2 sa naganap na insidente ng pamamaril dakong alas-9:10 ng gabi ng Lunes sa harap ng tindahan ng damit sa Maharlika Road.

Rumesponde ang kapulisan at inabutan ang walang buhay na katawan ng mga biktima.

Patuloy naman sa isinasagawang imbestigasyon ang mga pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?