15

Sep 22, 2020 @ 17:06
By

Empleyado ng PhilHealth sapol ng COVID-19

Dalawang araw isasara ang main office ng PhilHealth sa Mandaluyong matapos isang kawani nito ang magpositibo sa coronavirus disease.

Mula September 22 hanggang 23 ay sarado ang opisina para sa disinfection.

Siniguro ng PhilHealth na hindi nito maaapektuhan ang pagproseso nila ng mga claim, payout at iba pang transaksyon dahil isinasagawa ito sa kanilang mga local office.

Samantala, isasagawa naman ang executive meeting na pangungunahan ni PhilHealth president at CEO Dante Gierran via teleconferencing. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?