70

Jan 27, 2021 @ 23:07
By

Empleyado ng MRT-3 patay sa COVID, 41 pa positibo

Ini-lockdown ang MRT-3 Depot sa Quezon City matapos 42 manggagawa nito ang magpositibo sa coronavirus disease, isa sa mga ito ang namatay.

Halos isang linggo isasara ang depot na nasa ilalim ng isang mall, ayon sa ulat.

“We can consider it as parang part of the quarantine measures kasi since confined to the MRT-3 personnel. Buti na lang na even before this cases, we already shifted to work from home arrangement,” pahayag ni Usec. for Railways TJ Batan sa ulat ng ABS-CBN.

Nagsimula raw ang lahat sa isang kumpirmadong kaso.

“We have this protocol dapat naka-mask all the time. May cases na while eating na tanggalin ‘yung mask. It’s possible na nagkaroon ng transmission,” dagdag ni Batan.

Sa 42 na na-test na positibo, 36 ay mga DOTr-MRT 3 office personnel sa MRT-3 Depot habang anim ay mula sa maintenance service provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?