17

Jun 25, 2020 @ 13:45
By

Empleyado ng Makati Courts, isinailalim sa 14-day self quarantine

Isasailalim sa 14 na araw self quarantine ang lahat ng empleyado ng mga korte sa Makati City matapos na magpositibo sa rapid test ang isang empleyado na may kamag-anak rin na nagtatrabaho sa korte at ang isa naman ay idineklarang person under investigation.

Alinsunod sa Memorandum na inilabas ng Office of Executive Judge sa pamamagitan ni Asst.Court Administrator Filomena Ignacio, kabilang sa isasailalim sa lockdown ang lahat ng Makati RTC,Metropolitan Trial Court, Office of the Clerk of Court.

Nagsimula na kanina ang self quarantine ng mga empleyado at magtatapos sa Hulyo 8,2020.

Nabatid na sa kabila na sarado ang mga tanggapan, maaari naman magsumite ng komunikasyon at pleading sa pamamagitan ng online.

Gayundin, maaaring magkaroon ng hearing sa pamamagitan ng video teleconferencing at maaaring tumawag sa hotline.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?