24

Jan 21, 2021 @ 17:21
By

Empleyado ng LGU ng Antique, todas sa pamamaril

Patay ang isang lalaki matapos paliguan ng bala sa Bgy. Igdalauit, Antique kanina.

Kinilala ang biktima bilang si Vernel Mondreal, 22-anyos.

Napag-alaman sa imbestigasyon na isang administrative staff si Mondreal ng Sibalom Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.

Ayon sa imbestigasyon, pinagbabaril ang biktima ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na nakamotorsiklo sa naturang barangay.

Kasalukuyan nang tinutugis ng kapulisan ang mga suspek at ang motibo nito sa pamamaril. (

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?