1,022

Apr 5, 2020 @ 9:21
By

Empleyado ng gobyerno na may low income sa pamilya tablado sa cash aid – DSWD

Nilinaw ni DSWD Spokesman Director Irene Dumlao na tanging ang pamilyang low income earner lamang ang makakatanggap ng ayuda mula sa Social Amelioration Program ng gobyerno.

Sinabi ni Dumalo na hindi indibidiwal ang pagbibigay ng ayuda kundi bawat pamilya na “low income” earner.

Hindi na umano kasali ang mga government employee,kahit ang asawa ay tricycle driver dahil patuloy naman silang makakatanggap ng suweldo sa pamahalaan.

Kasabay nito,sinabi ni Dumlao na inuna na nilang bigyan ang mgq 4Ps kung saan makukuha na nila ang kanilang ayuda.

Ang mga 4Ps ay hindi na kailangan ng Social Amelioration Form dahil sila ay tukoy na ng pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Dumlao sa mga 4Ps na kung sila ay nasa NCR at tumatanggap ng 1,250 kada buwan ,sila ay madadagdagan na lamang ng 6,750 para makumpleto ang P8,000 ayuda sa kanila.

Kung may mga katanungan at hindi maunawaan maaring tumawag sa FSWD sa numero 8951-2803.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?