768

Jan 13, 2022 @ 15:12
By

Empleyado ng gobyerno may taas-sahod ngayong buwan

Makatatanggap ng dagdag na sahod ang may 1.7 milyong empleyado ng gobyerno simula ngayong buwan.

Ayon kay House Deputy Speaker at 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero, ito ang ikatlo sa apat na taong pagtataas sa sahod ng mga empleyado ng gobyerno sa ilalim ng Salary Standardization Law (SSL) 5, (Republic Act 11466) na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 8, 2020.

“They should see the increase in their paycheck this week,” sabi ni Romero.

Makararamdam ng pagtataas ang lahat ng empleyado ng gobyerno mula sa Pangulo hanggang sa pinakamababa.

Ang buwanang sahod ng Pangulo, na nasa Salary Grade 33 ay tataas sa P423,723 mula sa P415,728.

Ang mga nasa Salary Grade 1 naman ay tatanggap na ng P12,517 o pagtaas na P483.

Ang pinakamababang guro sa pampublikong paaralan na tumatanggap ng Salary Grade 11 ay tataas ang sahod ng P1,562 at magiging P25,439. Ang mga guro ang pinakamaraming empleyado ng gobyerno.

Sinabi ni Romero na ang sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno ay tataas ng P1,522 o mula P33,575 ay magiging P35,097.

Alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema, ang mga Nurse I ay itinaas sa Salary Grade 15 mula sa 11. (Billy Begas)

Abantelliling with Ritz Azul

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?