410

Nov 4, 2019 @ 21:31
By

Empleyado ng DOLE patay sa ambush sa Malate

Todas ang isang kawani ng Department of Labor and Employment (DOLE) matapos tambangan sa Malate, Manila nitong Lunes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Helen Dacanay, na idineklarang dead on arrival sa kalapit na ospital, ayon sa DZMM report.

Hindi naman nasaktan sa insidente ang kasama ng biktima.

Galing umano sa trabaho si Dacanay at isang kaibigan nang ratratin ang sasakyan nila ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo sa Malvar Street.

Agad tumakas ang mga suspek matapos ang pamamaril.

Iniimbestigahan pa sa kasalukuyan ang motibo sa pamamaril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?