17

Mar 25, 2021 @ 16:54
By

Empleyado ng DOJ pinatay ng COVID

Pumanaw matapos tamaan ng coronavirus disease ang isang kawani ng Department of Justice (DOJ).

Nitong Huwebes ay kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pagyao ng isang tauhan ng kanilang Witness Protection Program (WPP).

“One of our WPP (Witness Protection Program) personnel succumbed yesterday (March 24) to COVID-19,” hayag ni Guevarra.

Isa aniyang 54-anyos na lalaki ang biktima at kabilang sa 17 tauhan ng WPP na na-test na positibo sa virus.

Dahil dito, sumampa sa dalawa ang mga empleyado ng DOJ na namatay sa COVID-19. Noong nakaraang buwan tinalo ng virus ang isang babaeng empleyado nito.

Sa ngayon ay 47 ang COVID active case sa DOJ.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?