76

Dec 8, 2021 @ 15:51
By

Empleyado ng DFA nasakote sa buy-bust sa Taguig

Arestado ang isang empleyado ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya ng Taguig.

Nagsagawa ng sting operation ang Taguig police’s Drug Enforcement Unit (DEU) sa Sta. Teresa Compound sa North Daang Hari, Taguig dakong 10:30 p.m nitong Disyembre 7.

Nakilala naman ang suspek na si Dennis Pecson, 61, utility worker ng DFA.

Nakuha sa suspek ang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 7.4 gramo at nagkakahalaga ng P50,320; at P200 na buy-bust money.

Nahaharap naman ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?