34

By

Empleyado ng city hall todas habang tumotoma sa Iloilo

Patay ang isang empleyado ng Iloilo City Government Hall matapos pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa isang birthday party, Biyernes ng gabi sa Jaro, Iloilo City.

Target ngayon ng Iloilo Police ang pagkakakilanlan ng suspek na nakasuot pa ng bonnet at pinagbabaril sa ulo at katawan si Felix Arjenal, Jr..

Base sa imbestigasyon, dumalo sa birthday party ng isang kaibigan ang biktima sa Barangay Tabuc Suba nang biglang pumasok ang suspek at pinagbabaril si Arjenal.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, wala silang kilalang kaaway o nakaalitan ng biktima kaya humihingi sila ng hustisya sa pagkamatay ni Arjenal.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?