61

Mar 18, 2020 @ 15:49
By

Empleyado ng BDO, positibo sa COVID-19

Todo linis at disinfect ang ginagawa ngayon ng BDO-San Juan matapos magpositibo sa novel coronavirus disease (COVID-19) ang isang empleyado nito noong Martes ng gabi.

Ayon sa report ng BDO, nagsasagawa na sila ng “necessary actions” para maproteksyunan ang kanilang mga empleyado, customers, at suppliers at ma-trace ang mga nakatransaksyon nito.

Dagdag pa nito, sumailalim na sa self-quarantine noong March 10 ang nasabing empleyado, subalit nakatanggap ng confirmation ang BDO noong March 16 na umano’y nagpositibo sa virus ang isa sa empleyado ng bangko.

Nakipag-ugnayan na rin ang BDO sa Department of Health (DOH) pa ra sa contact tracing sa lahat ng employees at ilang nakasalamuha nito.

Kasabay ng pagbibigay ng paalala sa mga empleyado ng BDO na panatilihin ang kalinisan at palakasin ang kanilang immune system.

“BDO will continue to closely monitor the situation to ensure that the well-being of employees, customers, and suppliers is protected,” ayon sa report sa Facebook page ng BDO.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?