17

Mar 24, 2020 @ 17:04
By

Empleyado ng ADB, nagpositibo sa COVID-19

Tinamaan ng COVID-19 ang isang empleyado ng Asian Development Bank (ADB).

Ayon sa ADB, huling nagtungo sa gusali ng ADB ang empleyado noong Marso 11, 2020.

Nakitaan siya ng mild na sintomas ng sakit at hindi kinailangan na agad ma-admit sa ospital.

Nagsimula nang mag-work from home ang mga staff ng ADB noong Marso 12.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?