35

Nov 19, 2021 @ 19:16
By

Empleyado na may 1 turok hindi pipilitin sa swab test

Hindi pipilitin ang mga partially-vaccinated on-site worker na regular na sumailalim sa swab test o RT-PCR test.

“All partially vaccinated employees in the public and private sector tasked to do on-site work need not undergo regular RT-PCR testing at their own expense, as long as their second dose is not yet due,” pahayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles sa virtual press briefing.

Batay ito sa IATF Resolution 149 na inaprubahan noong Huwebes tungkol sa bagong testing protocol para sa mga on-site worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?