23

Jul 21, 2021 @ 19:25
By

‘Empleyado makakapili kung saan idedeposito suweldo’ aprub sa House panel

Inaprubahan ng House Committee on Labor and Employment ngayong Miyerkoles ang panukala na nagbibigay ng karapatan sa mga empleyado na mamili kung saan idedeposito ang kanilang suweldo.

Ayon kay Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, may-akda ng panukala, ang mga pribadong employer ang kalimitang namimili kung saang bangko idedeposito ang suweldo ng kanilang mga empleyado.

Dahil dito ay napipilitan ang mga empleyado na magbukas ng account sa napiling bangko.

“In effect, certain banks gain an undue competitive advantage and secure more clients than others, simply because a singular entity—that is the employers handpicked them,” sabi ni Quimbo.

Pumayag naman si Quimbo sa suhestiyon ni Zamboanga del Sur Rep. Jun Babasa na huwag limitahan lamang sa bangko ang pagbabayad sa sahod.

Maaari rin umanong isama sa mga opsyon ng empleyado ang pagtanggap ng suweldo sa pamamagitan ng electronic payments.

Ang mga empleyado ay maaari ring kumuha ng suweldo sa pamamagitan ng cash o tseke.

Aamyendahan ng panukala ang Labor Code of the Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?