36

Mar 3, 2020 @ 14:59
By

Empleyado dedo sa pamamaril

Patay ang isang babaeng empleyada ng appliances service center matapos na ito ay pagbabarilin ng dalawang hindi nakilalang gunmen sa Lucena City, Lunes ng gabi.

Kinilala ng Lucena police ang biktima na si Anabelle Serrano Mangarin, 42 anyos, office staff ng Lucena Viewers service center.

Ayon sa report, papasok na sa kanyang bahay ang biktima na nasa isang compound sa General Malvar Street, Barangay 5 nang barilin ito ng dalawang nag-aabang na suspek, dakong alas-6:30 ng gabi.

Agad ding tumakas ang mga salarin matapos ang pamamaril.

Sinugod naman sa ospital ang biktima subalit nalagutan din ito ng hininga makalipas ang mahigit na isang oras habang pilit na sinasalba ng mga doktor.

Narekober ng mga imbestigador sa crime scene ang mga basyo ng kalibre .45 baril.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaaalam kung sino ang mga suspek at kung ano ang motibo sa krimen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?