86

Mar 17, 2020 @ 14:35
By

Empelyado ng BDO, positibo sa coronavirus

Kinumpirma ng BDO na isa sa kanilang mga empleyado sa San Juan City branch ay nagpositibo sa coronavirus.

Sa statement ng bangko nitong Martes, sinabi na nag-self-quarantine ang empleyado noong March 10, at lumabas lang ang resulta noong March 16.

“BDO received reports that an employee from one of our operational offices in San Juan City, Metro Manila has tested positive for COVID-19,” ayon sa pahayag.

Kanila na umanong sinimulan ang contact tracing para mahanap ang mga nakasalamuha ng kanilang empleyado.

“The affected office area, as well as the common spaces such as the elevators and toilets, are being deep cleaned and disinfected. We have also advised all our employees to be cautious about their wellness and hygiene to boost their immune system,” saad pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?