1,061

Jul 27, 2021 @ 16:24
By

Emote ni Chito Miranda pinulutan ng mga netizen

Trending topic sa Twitter Philippines ngayong Martes si Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda.

Ito ay matapos niyang mag-post sa kanyang mga social media account ng tungkol sa “bahong patuloy na sumisira sa pagsasama.”

“Akala ko walang magbabago at sobrang ok na ang lahat…pero bakit parang hindi na tulad ng dati? Bakit may bahong patuloy na sumisira sa pagsasamang nakasanayan natin,” sabi ni Chito nitong July 27.

Na-curious ang mga netizen kung tungkol ba ito sa pagsasama nila ng asawang si Neri Naig kaya nag-trending ang hashtag na #ChitoNeriForever.

Umaasa ang mga netizen na lyrics lamang ito ng bagong kanta ni Chito.

jhompetzz: “Hoping these were just lyrics for your new song.”

jhoi f. martin: “Omg! Ano to? Sana new song to… Basta ko #ChitoNeriForever.”

bessieramos: “anu kaya ang mabahong patuloy na sumisira na iyan hmppp. #ChitoNeriForever.”

team galang: “Hindi dapat magpatalo sa mabahong chismis na yan #ChitoNeriForever.”

Sa kanyang Instagram ay may hugot din si Neri:

“Tag ulan na talaga. Maraming pumapasok sa isipan mo kapag ganito ang panahon. Minsan napapaisip ka.. kahit ginagawa mo na ang lahat, parang hindi pa rin sapat. May kulang pa ba?”

https://www.instagram.com/p/CR0aU-4oWTs/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?